Dyowk Taym

Usapan ng dalawang mayabang...
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?
Toto: Hindi! 'Yan din ang pangarap niya!


Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!


Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2?
Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay water! At ang CO2... cold water.


Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit. Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin kung may basketbol sa langit. Naunang namatay si Dado. Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado. "Ikaw ba 'yan, Dado?" usisa ni Rodel. "Oo naman!" tugon ni Dado. "Parang hindi totoo!" bulalas ni Rodel. "O, ano, meron bang basketbol sa langit?" Sagot ni Dado, "May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang
maganda, may basketbol doon. Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!" (ngek!)

Usapan ng dalawang bata...
Junjun: Magaling ang tatay ko! Alam mo, 'yang Pacific Ocean , siya ang humukay nun!
Pedrito: Wala 'yan sa tatay ko! Alam mo 'yung Dead Sea ?
Junjun: Oo...
Pedrito: Siya ang pumatay nun!

Stewardess: Do you want a drink, sir?
Sir: What are my choices?
Stewardess: Yes or No.

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa siguro, sumama na ako sa 'yo!

Misis: Delayed ako nang one month pero huwag mo munang ipagsabi. Nahihiya ako...
Mister: Okey.
Kinabukasan, dumating ang taga-Meralco. ..
Taga-Meralco: Misis, delayed po kayo ng one month.
Misis: Ha? Bakit mo alam?
Taga-Meralco: Nasa record po.
Mister: Bakit Naka-record diyan na delayed ang misis ko?
Taga-Meralco: Kung gusto ninyong mawala sa record, magbayad kayo!
Mister: Eh kung ayokong magbayad? Taga-Meralco: Puputulan kayo!
Mister: Eh anong gagamitin ni misis?
Tag-Meralco: Pwede naman siyang gumamit ng kandila.

Advantage at disadvantage ng may-asawa...
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!


What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.


Sa isang classroom...
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!

Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may katalik na lalaki sa kama ...
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino 'yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG
USAPAN!


Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n... twins kami! Twins!

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters