Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit
ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga
magulang.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB
WELL DONE :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa
labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka
na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa
ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng IRONY:
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM :
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan
mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig
sabihin ng STAMINA :
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng
pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito,
maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION:
" Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang
Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin
ng GENETICS:
" Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong
ibig sabihin ng ENVY :
" Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad
namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION
:
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa
bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong
ibig sabihin ng DETERMINATION:
"Hanapin mo yung pinahahanap ko sa iyo, pag di mo
nahanap, makikita mo!"
16. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang
HUMOR :
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong
lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at
lulumpuhin k ita!"
17. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina
Inay at Itay kung ano ang JUSTICE :
"Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak
magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"
Parental Wisdom - Filipino Style
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
2 comments:
ouch!tagos hanggang buto..lols
astig! adik tlaga! malaki kay0ng tul0ng sa mga pr0b ng pin0ys! ahaha! loveyah sa mga gumawa at nagpost ni2! mwah!
Post a Comment