Paghihiganti! wid d help of a rider

Isang gabi, nag mo-motor ang isang lalaki sa may tulay nang may nakita siyang babaeng nasa itaas ng gilid nito at magtatangkang magpatiwakal. “huwag”, sigaw ng lalaki. At sa kabutihang palad ay nakumbinsi ang babae at siya’y bumaba.

Lalaki: ano ba ang problema mo’t naisipan mong gawin yan?
Babae: kasi, iniwan ako ng boypren ko’t sumama sa ibang babae.
Lalaki: miss, ganyan din problema ko pero di ko inisip na magpakamatay.
Babae: so, ano ang gagawin natin?

(Nag-isip sandali ang lalaki at sinabi….)
Lalaki: kung gusto mo, maghiganti tayo sa kanila.
Babae: paanong paghihiganti?
Lalaki: alam mo na ang ibig kong sabihin… (sabay kindat sa babae na nakuha naman ng babae and parinig na iyon sabay angkas sa kanyang naka 58.5mm chrome bore na mio nya)

Dahil naka bore up, agad silang nakarating sa motel at nangyari na ang di dapat mangyari…. Nang makaraos and lalaki, nagsindi siya ng yosi. Nang halos filter na lang ay biglang nagsabi ang babae:
Babae: maghiganti uli tayo.

Medyo pagod, pero pinagbigyan uli niya and request ng babae. Nang makaraos uli, nagsindi uli si lalaki ng yosi. Nasa kalahati pa lang and yosi nang:
Babae: maghiganti uli tayo.

Medyo nangangatog na ang mga tuhod pero dahil sa hilig, muling pinagbigyan si babae. Muling nakaraos ang dalawa. Nagsindi uli si lalaki ng yosi. Unang hithit pa lang niya ay:
Babae: ganti uli tayo!

Talagang lupaypay na si manoy niya pero para huwag mapahiya ay muling pinagbigyan niya ang kahilingan ng babae. Pagkatapos, kumuha siya ng yosi. Sisindihan pa lang ng biglang:
Babae: ganti uli tayo!
Lalaki: (pagod na) ta**-na! Patawarin na natin sila!!!!

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters