Isang liham ng nagtitipid na anak sa USA

Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay naku! Tingnan mo yan. hindi sila marunong mag-ayos ng bankay sa America!"

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa ang nilalaman ng liham na mula kay Maria:

"Mahal kong tatay at mga kapatid: "Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksatong halaga.

Anyway. ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod. . . "Nasa likod ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-isa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito.

Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.

Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers.

"Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo iyan sa fiesta."

"Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party."

"May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume."

"Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball."

"Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. "Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan."

"Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan tiya. "Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin agad, tatay."

"Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse.

"Isang RayBan ladies sunglasses na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko pa pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay.."

"Nasa pink na plastic na maliit mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko."

"Mga pampers,panty liners,cotton buds,cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels. . 'yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo."

"Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe,coffee creamer,ilang vienna sausage na de lata, barbie dolls,toothbrush, paper cups,plastic spoon and fork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens,stationeries,envelopes, bar soaps,match box toys used t-shirts,hand towels,CD,VHS tapes,padlock, tools gaya ng screw driver,plais,long
nose,atbp. Na hindi ko na-itemize dahil nagmamadali ako."

"Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. "Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse para sa inyo lahat ito."

"Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing."

"Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Maria

P.S. "Pakibihisan ninyo agad si Nanay!"

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters