Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy
si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing
"Pagkatapos ng isang taon
ay bubuhos ang ulan at babahain ang
buong kapuluan ng Pilipinas.
Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay
mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga
mag-asawang pilipino sa iba't- ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso
nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang
sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos
kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at tinanong
ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"
Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di
po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking
problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap
niya sa pag-gawa ng arko. Humingi siya ng Mayor's
permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa
ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si
Congressman kung may matatanggap siyang 30%
commission.
Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at
nag-strike.Natunugan ng mga left-leaning groups ang
kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw
sa hindi makatarungang pagpili ng mga taong sasakay sa
arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng
sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy
dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng
sumakay.
Ang civil society group ay nakisali na
rin sa gulo dahil
napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa
paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling
lords at katas ng weteng. Sa kaguluhang ito ay
napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of
legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464
para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya
executive official, napilitan siyang tumistigo.
Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang
pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong
unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang
separation ng church at state. Nakialam na rin ang NBI
at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na
ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang
pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay
gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup
laban kay Arroyo.
Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap
kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung
ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na
may slogan "Towards a Strong Republic".
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may
TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan
ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto."
Ang huling wika ni Noah.
Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang
wasakin pa ang bansang ito. Hahayaan ko na lang kayong
sumira nito."
Pa'no kung si Noah naging pinoy?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
No comments:
Post a Comment