Janitor

Nagtatrabaho ako bilang janitor sa isang malaking mall sa Quezon City. Nightshift. Masaya ako sa trabaho ko
bukod sa sarado na ang mall at tahimik na ang kapaligiran. Payapa sa pakiramdam. Ngunit nagbago lahat ng pananaw ko pagkatapos ng hindi ko malilimutang gabing un.

9:30 pm nakalimutan ko ung date. Pasara na yung mall. Magdamagang trabaho nanaman. Linis dito. Linis doon. Malapit sa sinehan ang lugar na nililinis ko. Labasan na ng mga tao. Badtrip tinatapakan nila yung mina mop ko. Huminto muna ako sandali at hinayaang dumaan ang mga tao. Nakinig ako sa mga tao na nag uusap.

"Ganda ng iron man 2 no? astig ung effects!" sabi nung isang lalaki sa kasama nyang babae.
"Alam mo ba na para kang ARC REACTOR" dugtong nya.
"bakit??" tanong nung babae.
"Dahil hindi ko kayang mabuhay pag wala ka" sagot ng lalaki.

humagikgik ang babae. napakamot nalang ako sa ulo.

Madaming tao. patok ang palabas.

Lumipas ang ilang minuto nanumbalik ang katahimikan.

Huhuhuhuhu...

Me narinig akong umiiyak mula sa hindi kalayuan. Nakaramdam ako ng kaba. Ganto eksena sa mga horror movies. Dahan dahan kong pinuntahan ang pinang gagalingan ng iyak. Habang pinapawisan ako sa kaba.Langyang rexona nde nmn pla gumagana kaya pati kili-kili ko basang basa. Nakita ko ang bata. Nakatalikod habang nakaupo. Umiiyak.

Bata. Asan ang mga magulang mo? iyak lang ang isinagot nya. Halika dito. Lumapit ka. Dadalhin kita sa Guard. Baka andun na mga magulang mo. Hindi na kasi sila makakapasok dito.

Humarap ang bata.

Napabuntong hininga ako. Hay. nawala ang kaba ko. Napaka amo ng mukha nya. Me halong takot at lungkot. Nais na siguro nyang makita ang mga magulang nya.

itim ang kanyang buhok. medyo kulot. maamo ang kanyang mata. nakasuot siya ng pink na damit na tweety bird ang design. Masakit sa mata ang kulay.

Dahandahan siyang lumapit sakin. Bakas ang alinlangan sa kanyang mga mata.

"Huwag kang matakot sakin. Mabait ako. tutulungan kita." sabi ko.

"Kuya nawawala po Ako.." sabi ng bata. nagsalita narin cya sa wakas.

"Oo alam ko nawawala ka kaya nga andito ako. tutulungan kita" sagot ko.

"Kuya Nawawala Po Ako"

At biglang nawala ang bata sa paningin ko. nawala ng parang bula. Kasabay nun. Nawalan ako ng malay.

Kinabukasan tinanggal ako sa trabaho. Natutulog daw ako habang naka duty.

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters