What an office setting!

Ang lobby guard niyo ay si Palito alias Rambuto.

Ang time administrator niyo ay si Cherie Gil at ang morning greeting niya with a smile ay..."Welcome to hell..."

Ang HR head niyo ay si Bella Flores at ang Employee Relations Officer ay si Odette Khan at ang HR Staffing head ay si Dexter Doria....At pag pumasok ka na walang ID o hindi naka-uniform...kakaladkarin ka nila sa buhok palabas ng opisina pagkatapos kang pagsasampalin.

Ang Employee Benefits head ay si Lolit Solis...cge...magreklamo ka na maliit ang sueldo mo...cgeeeeeeeeeeeeeeeeee...I dare you!!!!

Tuwing may problema ang kompanya, ang Corporate Communications head niyo na si Cristy Fermin ang nagbibigay ng official company statement...at ang simula nang kanyang presscon ay..."Galing ito sa isang reliable source at itataya ko ang buhay at karangalan ko dito...wala akong libel case na inuurungan..."

Ang official company driver niyo ay si Vandolph. Do I have to explain?
Kapag kasama mo mag-OT si German Moreno...walang tulugan!

Ang Legal Investigator niyo ay si Tony Falcon at ang assistant niya ay si Wengweng...paminsan minsan ay tumutulong si Ricky Lo at Madam Auring bilang consultant.

Tuwing bubuksan mo ang filing cabinet andun si Mahal sa loob para iabot ang file na hinahanap mo.

Nung huling company anniversary ay sumayaw ka ng nakadamit babae at sumayaw sa tugtog na "ang ganda ko...feel na feel ang long hair ko..." kinabukasan dumating si Robin Padilla para itanong sa yo kung niloloko mo ang kapatid niya...

Messenger niyo si Kuya Cesar.

Si Boy Abunda ang career counselor mo at tuwing me problema ka ang tanong niya ay..."Mag-usap tayo kaibigan...kung nasa harap ka ng salamin ano ang sasabihin mo sa iyong sarili?"

Si Love A�over ang voice behind your automated phone system. "Mga katsokaran...ip you chuva da number eklavu...dependots 1...ips not...luz
valdez...charing!"

Ang Office Security niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers...bigla silang darating sa opisina mo at sasabihin "Hephephep...nag-uuwi ka ng bond paper...tarantadong to ah...manggagantsong butete ka!!!" At pag tumanggi ka...ipapanood nila sa yo ang hidden camera shots na nagpupuslit ka ng 2 pirasong bond paper mula sa printer... habang pinoposasan ka ng mga pulis.

Nung Halloween party niyo ang costume mo ay Lizardo...at dun mo rin first time na-meet ang anak ng may-ari na ang pangalan ay Tristan...alias Panday. Next halloween me tribute sa buhay mo na ipapalabas.

Tuwing pasko ang prize committee head ay si Bernadette Sembrano at Vicky Morales. Taon taon din ay nanalo ko ng bananacue at pedicab showcase. At nangangarap ka na
sana next time si Willie naman para me jeepney.

Si Michael Fajatin ang laging nagpe-present ng annual report niyo..."Mga Igan...nung umabot sa PhP50M ang ating kinita....kumita tayo ng PhP50M...matapos nating magtrabaho ng matindi kumita tayo ng PhP50M pero bago yan ay nagtrabaho muna tayo saka tayo kumita ng PhP50M."

Boss mo si Big Brother...at alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee break kaya kailangan mo mag-type nang gamit ang ilong mo hanggang patawarin ka niya.

Kaopisina mo si Arnold Clavio at pag naka-leave siya...OIC niya si Arn-Arn.

At ang number 1 sign na you're in OFFICE HELL...department head mo si Mike Enriquez...AT HINDI NIYA KAYO TATANTANAN!!!!

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters