Usapan ng dalawang mayabang…
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.
---------------------------------------------------
Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit. Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
‘Ikaw ba ‘yan, Dado?’ usisa ni Rodel.
‘Oo naman!’ tugon ni Dado.
‘Parang hindi totoo!’ bulalas ni Rodel. ‘O, ano, meron bang basketbol sa langit?’
Sagot ni Dado, ‘May maganda at masama akong balita sa ‘yo.
Ang maganda, may basketbol doon.
Ang masama… kasali ka sa makakalaban namin bukas!’
---------------------------------------------------
Different prayers of single women…
At Age 15: Lord, give me SuperMAN.
At Age 18: Lord, give me a cute MAN.
At Age 20: Lord, give me the best MAN.
At Age 30: Lord, give me a good MAN.
At Age 40: Lord, give me a MAN.
At Age 50: Lord, give me sinoMAN.
At Age 60: Lord, maawa ka naMAN.
At Age 70: Lord, kaya ko pa naMAN.
At Age 80: Lord, kahit hipo MAN lang.
---------------------------------------------------
Misis: Hindi ko na kaya ‘to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti
pa, umalis na ako sa bahay na ‘to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa ‘yo!
---------------------------------------------------
Advantage at disadvantage ng may-asawa…
ADVANTAGE: ‘Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: ‘Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!
---------------------------------------------------
What is the difference between a girlfriend, a call girl and a wife?
Sagot: Post paid, pre paid, unlimited.
---------------------------------------------------
Do you know INNER ROW?
What is INNER ROW?
Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril, Mayow….
---------------------------------------------------
Sa isang classroom…
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.
---------------------------------------------------
Anak: Itay, nagpapatanong si ma’am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: ‘Yung tagaayos ng radio sa car!
---------------------------------------------------
Umuwi si mister nang 4:00 AM at nakita niya ang kanyang misis na may
katalik na lalaki sa kama .
Misis: (sumigaw) SAAN KA GALING?!
Mister: Sino ‘yang katabi mo?
Misis: GRABE KA! HUWAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!
---------------------------------------------------
Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa ‘kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: ‘Yun lang? Anong masama ru’n?
Harry: Ang masama ru’n… twins kami! Twiiiiiiiiins!
---------------------------------------------------
Street Vendor : “bili na kayo ng relo! gold watch ito! pag namuti, white gold! pag huminto stopwatch!”
---------------------------------------------------
GF: hu hu hu hu bakit natin ginawa ito? hindi na ako virgin at dalawang beses pa natin ginawa!
BF: ano? isa lang ah?!
GF : bakit, hindi na ba natin uulitin mamaya?!
---------------------------------------------------
Couple Talking:
Wife : hon, paki fix naman ilaw sa labas.
Husband : hello!? electrician ba ako?
W : eh di pkigawa na lang hagdan natin.
H : hello!? karpintero ba ako? umalis c husband, pagbalik gawa na lahat ng sira sa bahay. Tinanong niya wife niya kung sino gumawa ng trabaho.
W: kasi kanina a man saw me crying, sabi ko dami sira dito sa bahay. so he offered to help in exhange of either sex or bake ako ng cake…
H : so pnag-bake mo siya ng cake?
W : hello?! baker ba ako?!
---------------------------------------------------
Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!
--------------------------------------------------
“Hindi ko pa naranasan magmahal kahit minsan…” -Fishball (P.50 pa rin)
-------------------------------------------------------
“No matter how strong WE HOLD ON, still there comes a time that suddenly WE FALL… -Butiki (nag-emote)
-------------------------------------------------------
May 3 guys na nagkasala sa kanilang tribo.
Lider: magdala kayo ng 10 prutas na magkakapareho.
Unang dumating c Juan na may dalang 10 santol,
Lider: Ipasok sa kanilang puwet at kung sino ang umaray o tumawa, Patayin.
Unang Santol pa lang, umaray na si Juan, Patay! Sumunod si Pedro na may dalang 10 ubas. Kung kelan pangsampu na, saka pa tumawa. Patay!
Nagkita si Juan at Pedro sa langit.
Juan: Ligtas ka na sana sa pangsampu, bakit ka pa tumawa?
Pedro: Kasi nakita ko si berto, may dalanag 10 Durian!
-------------------------------------------------------
A father was trying to teach his son about the evils of alcohol.
He placed one worm in a glass of water and another, in a glass of whiskey.
The worm in the water lived, while the one in the whiskey curled up and died.
Father: Alright son, what have you learned from the show?
Son: Well dad, it shows that if you drink alcohol hindi ka magkakabulate.
-------------------------------------------------------
Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano ng walang Parachute!
Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan?
Pedro: Sa burol nya!
-------------------------------------------------------
Adik: Doc, grabe yung panaginip ko gabi-gabi. Kasi lagi raw ako nanonood nang basketball.
Doc: Sige, halika may gamot ako diyan.
Adik: Huwag muna doc. Championship game na mamaya eh…
-------------------------------------------------------
Teacher: Juan, give me a color that starts with letter “M” except maroon.
Juan: Hmmmmm… Maitim! Madilaw! Mamink-mink! Mukhang berde! Medyo asul!
Teacher: ****! __________________
Joketime 2
Labels: pinoy jokes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
No comments:
Post a Comment