Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay...
na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa.
Maghapon ka na ngang wala, pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa mga anak mo... yan ang kadalasang linya ng partner mo. Oo nga naman, dapat balanse lang ang buhay.. me panahon sa trabaho at me panahon sa mga mahal sa buhay.
Yan ang dapat nating sanayin... balanseng buhay para sa masayang
pagsasama!
Naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko tahimik lang sila, masaya, at palagi kong naririnig na nagtatawanan.
Nguni't isang araw nagulat ako sa aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay!
Walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito... pasensya na mahal, ang dami kasi ng trabaho baka di ko matapos, eh kailangang mai-deliver na agad ang mga ito!
Sa loob-loob ko, minsan lang naman yata nag-uwi ng trabaho di pa
pinagbigyan!?
Tuloy pa rin ang sigawan, iyakan.... lubos na akong nabahala kaya
kinatok ko sila pare, pare.... okay lang ba kayo dyan?
Binuksan ng babae ang pinto at galit na galit nagsumbong sa kin.... hay naku pare, ****** tong pare mo nag-uwi ng trabaho dito sa bahay!
Sabi ko, intindihin mo na lang mare, minsan lang naman ata mag-uwi ng
trabaho si pare, baka talagang sobrang dami lang ng trabaho nya ngayon at me deadline siya.
Galit na galit ang babae na sinagot ako...
****** pare, alam mo bang "EMBALSAMADOR" ang asawa ko?
Tama bang iuwi sa bahay ang trabaho?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
No comments:
Post a Comment