KUMIKIRIRING ang telepono nang madaling araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo nanamatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sabird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao angnagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patayna kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sabahay-bakasyunan, a. Parasaan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampashatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.
Binaril ko."
Ways to pass bad news
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
No comments:
Post a Comment