Babala: isang kuwento na tanging tunay na Batangueno laang ang
makakaintindi....
Dine sa Tuklong ay may puno ng otaw na arogang-aroga pa ng Mamay.
Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot.
Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na
pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng
nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit
umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal,
talipa ang sipit at gura.
Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang
gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at
parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi.
Wala namang kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan.
Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay.
Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng
Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay.
Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati
pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas
ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount".
Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka
taga_Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay.
Oops...... Awat na.
Para sa mga Taga-Batangas 2
Labels: pinoy jokes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Want to share what you have?
Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.
No comments:
Post a Comment