Tumatanda ka na! :D

*kumakain ka ba ng aratilis at bubot na bayabas?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start? (30 lives)

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?

*idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?

*eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO L AHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-35 KA...

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG...


DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?

No comments:

Want to share what you have?

Want to share your collection of funny jokes, stories, pictures and/or videos? Send it here

Disclaimer: All materials posted are from forwarded emails or postings from public forums.



free counters